Sinampahan kaso sina Atty. Raul Lambino at Ronald Caderma ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ).
Ito ay dahil sa paglabag sa Article 154 ng revised penal code o Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances.
Ayon kay NBI Officer Allien Delfin, naglabas ng maling impormasyon sina Lambino at Cardema nang arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Iyan ay matapos nilang sabihin na naglabas ng temporary restraining order ang Supreme Court para ipahinto ang pagdala sa dating pangulo sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni NBI officer Delfin, ang ganitong uri ng pahayag ay maaring magdulot ng kalituhan sa publiko, malagay sa panganib ang kaayusan sa bansa, at magmukhang mali ang ginagawa ng ating agent of the state. | ulat ni DK Zarate