Binakuran ng mga awtoridad ang Baseco Beach sa Tondo, Maynila.
Ito ay para maiwasan ang pagdagsa ng mga gustong maligo at magtampisaw sa dagat.
Ipinagbawal ang pagtatampisaw sa nasabing beach dahil marumi ang tubig na pwedeng pagkuhanan ng sakit.
Noong nakaraang holy week dinagsa ang Baseco Beach sa Tondo, Maynila para makapag-swimming ang publiko dahil sa mainit na panahon.
Babala ng DENR, hindi ligtas ang maligo sa nasabing bahagi ng dagat dahil sa mataas na fecal coliform level. | ulat ni DK Zarate