Bulaklak at kandila, alay ng mga mananampalataya para kay Pope Francis sa Apostolic Nunciature sa Taft, Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang mananampalataya ang nag-alay ng mga bulaklak at nagsindi ng kandila sa harap ng Apostolic Nunciature sa Taft Avenue, Maynila ngayong Sabado, April 26, bilang pagpapakita ng paggalang at panalangin para sa yumaong Santo Papa Francisco.

Wala mang pormal na pagtitipon sa nasabing lugar, may mga pangilan ngilan na dumadaan at nag-aalay ng maikling panalangin kasabay ng pag-iiwan ng bulaklak at pagsisindi ng kandila.

Samantala, mula 9:00 AM hanggang 9:00 PM, Martes, Abril 29, bibigyang daan sa Apostolic Nunciature ang signing ng book of condolence para sa publiko, bilang paggunita at pagbibigay-pugay sa buhay ni Pope Francis. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us