Bulkang Bulusan, nasa Alert Level 1 na — PHIVOLCS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas na ng PHIVOLCS sa Alert Level 1 o Low-Level Unrest ang Alert status ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon, Bicol.

Kasunod ito ng phreatic eruption na naganap sa Bulkan kaninang 4:36 AM at tumagal ng 24 na minuto.

Ayon sa PHIVOLCS, dahil sa pagputok ng bulkan, apektado ng ashfall ang mga Barangay Cogon at Bolos sa Irosin, at mga Barangay Puting Sapa, Guruyan, Buraburan, at Tulatula Sur sa Juban, Lalawigan ng Sorsogon.

Naitala rin ang isang pyroclastic density current (PDC) na dumausdos sa timog-kanlurang bahagi ng bulkan.

Bago ang pagsabog, may 53 pagyanig ang naitala sa Bulkan.

Sa ilalim ng Alert L2evel 1, pinaaalalahanan ang mga lokal na pamahalaan at publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us