Isinailalim na rin sa COMELEC control ang Buluan, Maguindanao del Sur.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ito ay dahil sa mga insidente ng ambush kung saan sangkot ang ilang kandidato, pulitiko sa naturang lugar at nadadamay na rin umano ang ilang sibilyan.
Una nang isinailalim ang Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte kasunod ng pananambang sa election officer.
Pinag-aaralan din ng COMELEC ang paglalagay sa COMELEC control sa iba pang lugar tulad ng sa Northern Luzon at Bangsomoro. | ulat ni DK Zarate