CEBU CITY CULTURAL AND HISTROCIAL AFFAIRS OFFICE NAGSAGAWA NG EXHIBIT BILANG PAGBIBIGAY PUGAY KAY POPE FRANCIS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang pagbibigay pugay sa yumaong si Pope Francis , ang Cebu City -Cultural and Historical Affairs Office sa pamamagitan ng Cebu City Marching Band ay tumugtog ng Himno Potificio o ang Papal Anthem.

Maliban dito naglagay rin ng isang exhibit bilang tribute kay Pope Francis ang CHAO sa Sinulog Hall ng Rizal Library and Museum Building.

Maliban sa inilagay na larawan ng yumaong Santo Papa, makikita rin ang larawan ng Salus Populi Romani ( Protectress of the Roman People), na isang Marian icon sa Roma.

Ang nasabing exhibit ay nagpapakita sa personal na aspeto ni Pope Francis at ang nakasanayan nitong pagninilay at paghihingi ng gabay sa nasabing imahe.

Napag-alaman na tuwing bibiyahe o aalis ng Roma si Pope Francis ay bibisita muna ito sa nasabing icon upang magbigay ng panalangin gayundin sa kanyang pagbalik sa Vatican.

Ilang mga tanggapan rin dito sa lungsod ng Cebu ay naglagay ng prayer table para sa Santo Papa.

Samantala ipinaliwanag ni Msgr. Raul Go ng Archdiocese of Cebu na hindi maiwasang mangulila ang mga Pilipinong Katoliko sa pagpanaw ni Pope Francis lalo na sa mga mayroong personal encounter sa Santo Papa ng bumisita ito sa Pilipinas.
Sa pagpanaw ng Santo Papa, mistula aniyang nawalan tayo ng amang namamahal at tunay na nagmamalasakit sa atin.

Kung malala noong, taong 2015 ng bumisita si Pope Francis sa Pilipinas kung saan kabilang sa binisita nito ay lalawigan ng Leyte na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda. | ulat ni Angelie Valiente – RP1 CEBU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us