Namataan ng Philippine Coast Guard ang Isang Chinese Research na naglalayag sa bahagi ng Batanes.
Dahil dito agad ipinag-utos ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gavan ang pagde-deploy ng PCG Islander 4177 para i-monitor at radyuhan ang Chinese vessel na Zhong Shan Da Xue.
Kaninang alas-otso ng umaga nang mamataan ito sa layong 78.21 nautical miles northeast ng Itbayat, Batanes.
Ilang beses niradyuhan ng PCG Islander ang barko ng China pero hindi sumagot ang mga ito.
Ayon sa PCG, walang karapatang magsagawa ng marine scientific research ang Chinese vessel sa loob ng ating Exclusive Economic Zone.
Ito ay malinaw na paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at Philippine Maritime Zones Act. | ulat ni DK Zarate