Photo courtesy of PNP Bicol
Nais ng Commission on Elections (COMELEC) na palawakin pa ang Local Absentee Voting sa bansa.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, gusto nilang pag-aralan ang posibilidad na mapasama ang mga nagtatrabaho sa pribadong sektor na may trabaho rin tuwing eleksyon.
Halimbawa ng opisyal ang mga lineman ng electric utilities, gayundin ang mga abogado.
Kaugnay nito ay nagpaalaala ang COMELEC sa mga nagparehistro sa Local Absentee Voting na hindi na papayagan pa ang mga ito na bumoto sa May 12, 2025 kung mabibigo na makaboto sa itinakdang araw para sa LAV.
Una nang sinabi ng COMELEC na ang LAV ay simula ngayong araw, hanggang sa Miyerkules lamang (April 30) at magbubukas ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. | ulat ni Lorenz Tanjoco