Mahigpit ang ginagawang koordinaayon ng Department of Health (DOH) sa Office of the President (OP), upang masiguro na magtutuloy-tuloy ang operasyon ng departamento.
Ito ay kasunod na rin ng liham na ipinadala ng Malacañan sa DOH, kaugnay sa pagtatapos ng termino ng dalawang health official.
Sa liham kay Health Secretary Ted Herbosa na mayroong petsang April 15, 2025, ipinaalam ni Executice Secretary Lucas Bersamin na nag-expire na ang termino ni Ariel Valencia bilang Assistant Secretary ng DOH.
Tinapos na rin ang extension ng serbisyo ni Jaime Bernadas bilang Director IV ng tanggapan.
“When you serve at the pleasure, your tenure may expire at any time.” —Usec Castro.
Inatasan rin ng Palasyo ang DOH na siguruhin ang maayos na turnover ng lahat kabilang ang mga dokumento at impormasyong may kaugnayan sa binakanteng pwesto ng dalawang opisyal. | ulat ni Racquel Bayan