DepEd, nag executive committee meeting para tugunan ang dumaraming insidente ng bullying sa mga paaralan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinulong ni Education Secretary Sonny Angara ang pinakamalaking Executive Committee o EXECOM na binubuo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, civil society organizations, at academic experts.

Ito ay para tugunan ang nakakaalarmang insidente ng bullying sa mga paaralan, kung saan pinakahuli na ang nangyari sa Las Piñas na dalawang grade 8 students ang patay matapos saksakin ng mga kapwa estudyante.

Ayon kay Angara, nagdaos sila ng EXECOM dahil sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na una nang nagpahayag ng pagkabahala sa mga kaso ng bullying sa bansa.

Base sa datos na prinisinta ng DepEd National Capital Region, umabot sa 2,500 kaso ng bullying ang naitala sa School Year 2024–2025, na mas mataas kumpara sa 2,268 na naitala noong nakaraang taon.

Paliwanag ng kalihim, hindi lang dapat sa paaralan tinutugunan ang bullying kailangan umano rito ng whole-of-society response kung saan kailangan ng tulong mula sa komunidad at tahanan, kung saan nanggagaling ang mga mag-aaral.

Kasama naman sa nailatag na solusyon sa EXECOM, ang paglalagay ng mas maraming pulis sa labas ng mga high-risk school, paglalagay ng mga CCTV at iba pa.

Samantala, gumagawa na ng draft ang DepEd sa Default Policy on School Safety and Security bilang tugon din sa mga insidente ng bullying. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us