Inatasan na ng Department of Energy (DOE) ang energy sector upang matiyak na may sapat na supply ng kuryente sa panahon ng Mahal na Araw.
Ayon sa DOE, pinakilos ng ahensya ang energy sector upang matiyak ang pagpapanatili ng matatag na suplay ng kuryente sa mga tahanan at mga hub ng transportasyon.
Sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na nakipag-koordina na ang DOE sa mga power generation companies, transmission concessionaire, at distribution utilities upang matiyak ang katatagan ng grid at kahandaan sa kabuuan ng mahabang bakasyon.
Nakalatag na rin aniya ang mga contingency plan upang matugunan ang mga posibleng pagtaas ng demand o mga local interruption, lalo na sa matataas na destinasyon ng turista at mga island provinces. | ulat ni AJ Ignacio