Target na mabakunahan ng Department of Health (DOH) ang nasa 31,000 katao sa Calbayog, Samar ngayong araw sa pagsisimula ng World Immunization Week
Ayon sa DOH, kabilang sa mga target bakunahan ang mga batang nasa edad 0 hanggang 12 months ng BCG o proteksyon sa Tuberculosis, Pentavalent, Pneumococcal Conjugate, MMR at OPV.
Para sa senior citizens, bibigyan sila ng Flu at Pneumococcal vaccine bilang panlaban sa trangkaso at pulmonya.
Para sa mga batang babae na edad 9 to 14 years old, bibigyan sila HPV na proteksyon sa cervical cancer.
Ang mga buntis ay makatatanggap ng Tetanus Diptheria vaccine.
Inaasahan na sabayan din ang pagbabakuna sa iba pang bahagi ng bansa, para mapalakas ang proteksyon ng mga Pilipino laban sa iba’t ibang sakit. | ulat ni Don King Zarate