Dumating na sa bansang Myanmar ang mga pinadalang “psychological first aid providers” mula sa Department of Social Welfare and Development.
Binubuo ang mga ito ng psychologists at social workers, na magbibigay ng psychosocial counseling sa mga Overseas Filipino Worker na naapektuhan ng 7.7 magnitude earthquake na tumama sa nasabing bansa kamakailan.
Ayon sa DSWD, karamihan sa mga apektadong OFWs ay mga guro.
Agad na magsasagawa ng orientation at planning activities ang team ng DSWD ngayong Sabado, Abril 12, para sa mga survivor ng lindol.
Kasabay nito, nagsagawa na rin ng inisyal na counseling sessions ang DSWD sa pamilya ng mga OFW dito sa Pilipinas bukod sa pamimigay ng tulong pinansyal. | ulat ni Rey Ferrer