Pinagsusumite ng status report ng National Electrification Administration ang mga electric cooperative na naapektuhan ng lindol sa Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan kaninang madaling araw.
Nais malaman ng NEA kung may pasilidad ang mga EC na naapektuhan ng seismic event matapos ang magnitude 5.8 na lindol.
Pinayuhan ang mga EC na magpatupad ng contingency measures para maibsan ang epekto sa power distribution service sa mga consumer.
Kailangan ding maging handa sa anumang mangyayaring aftershocks.
Naramdaman ang Intensity 5 sa Calayan, Cagayan at Intensity 4 naman sa Laoag, Pagudpud, Pasuquin, Bacarra, at San Nicolas sa Ilocos Norte.
May mga pagyanig ding naramdaman sa iba pang lugar sa Northern Luzon. | ulat ni Rey Ferrer