Lubos ang aking pakikidalamhati sa paglisan ng ating National Artist, ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
Malalim ang pinagsamahan namin kaya’t mabigat tanggapin ang balita ng kanyang pagpanaw. Isang malaking kawalan hindi lamang sa industriya kundi sa bansa ang pamamaalam ng isang pambihirang talento na nagbigay inspirasyon sa milyun-milyon nating mga kababayan. Isinabuhay niya ang pag-asa sa mga taong nagsusumikap abutin ang kanilang parangap gamit ang puhunan na angking galing sa pag-awit at husay sa pag-arte sa harap ng kamera.
Mananatiling buhay sa alaala ng lahat ang kanyang mga naging ambag sa industriya ng pelikulang Filipino. Ang kanyang ningning ay hindi kailanman maglalaho.
Paalam, Guy. Nawa’y matagpuan mo ang kapayapaan sa piling ng Maykapal. | ulat ni Nimfa Asuncion