Forum para sa proteksyon ng Verde Island Passage, isinagawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay sa isinagawang “Piliin ang VIP Forum” ang kahalagahan ng mga kampanya upang maitaas ang antas ng proteksyon at pandaigdigang pagkilala sa Verde Island Passage o VIP, kasunod ng mga banta ng polusyon, overfishing, at epekto ng climate change.

Ayon sa mga opisyal ng Piliin ang VIP, layunin ng forum na pagkaisahin ang mga lider mula sa pamahalaan, siyentipiko, mangingisda, at environmental advocates upang isulong ang pagdedeklara ng VIP bilang isang Marine Key Biodiversity Area at World Heritage Site. Nabatid na ang VIP, na tinaguriang “center of the center” ng marine shore fish biodiversity sa buong mundo, ay patuloy na nanganganib matapos ang malawakang oil spill noong Pebrero 2023 na nakaapekto sa mahigit 200,000 katao.

Kasabay ng mga aksyon tulad ng Philippine Biodiversity Strategy and Action Plan at 30×30 conservation pledge, isusulong din ang proteksyon ng VIP sa darating na UN Ocean Conference sa France.

Inaasahang magiging daan ang forum sa konkretong aksyon at mas matatag na suporta para sa Verde Island Passage upang bigyang proteksyon ang lugar na sinasabing may malaking ambag din sa food security at turismo sa bansa. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us