Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling ligtas ang mga kalye ng bansa, sa kabila ng mga alegasyong lumalala ang krimen sa bansa, tulad ng isinaad sa isang political ad.
Sa press briefing sa Malacañan, sinabi ni Major General Roderick Alba, Director ng Police Community Relations, na patuloy ang kanilang kampanya laban sa lahat ng uri ng krimen.
“Sa amin po sa PNP at tuloy-tuloy lang po ang aming kampanya against all forms of lawlessness. But we can all speak of our, what we have, iyong ating crime statistics, which we actually reported few days or few weeks ago, where it covers January to April of 2025. As compared to last year, where we have a big decrease of 26% sa aming crime statistics. So, we stick with the reality of what we have now, iyong aming data.” —Alba
Katunayan, ayon sa opisyal, base sa kanilang pinakahuling crime statistics mula Enero hanggang Abril, 2025, nagkaroon ng 26% na pagbaba ng mga insidente ng krimen kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa kabila nito, ano pa man daw ang nais ipahiwatig ng mga pambabatikos, iginiit ng PNP na patuloy nilang isinusulong ang kanilang tungkulin at hindi nila hahayaan na maging sagabal ang mga ganitong batikos, sa kanilang layuning mapanatili ang kaayusan sa bansa.
“Minsan we are misinformed, disionformed, but we respect ‘no. Sabi ko nga iyong perception ng ating mga community, but we speak of out duties na dapat naming pinapatupad and we should not be affected by these negativities kung mayroon man.” —Alba | ulat ni Racquel Bayan