House Speaker Romualdez, ipinaabot ang pakikiramay sa Filipino Community sa Vancouver

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Speaker Martin Romualdez ang kaniyang maigting na pakikiramay sa mga Pilipinong nasa Vancouver, Canada, kasunod ng malagim na insidente sa pagdiriwang ng Lapu-Lapu Day na nauwi sa pagkamatay ng ilang katao at pagkasugat ng marami.

Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Romualdez na kaisa ang Kamara sa pagdadalamhati sa naiwang sugat ng insidente.

“Today, our hearts grieve with our Filipino community in Vancouver. What was supposed to be a day of joy — a day to celebrate our heroes, our heritage, and the spirit that binds us as one Filipino family — turned into a day of heartbreak… Ramdam po namin ang inyong sakit. Sa bawat tahanang Pilipino ngayon, may pakikiramay, may pagdarasal, at may pagdamay,” sabi ng lider ng Kamara.

Ang selebrasyon sana ay inilaan upang gunitain ang kabayanihan at pagkakaisa ng mga Pilipino, ngunit nauwi ito sa isang araw ng dalamhati matapos araruhin ng isang sasakyan ang kumpol ng mga taong nakikibahagi sa selebrasyon.

Batay sa ulat, 11 katao ang nasawi.

Binigyang-diin din ng Speaker ang kanyang panawagan sa mga kinauukulan sa Canada at mga opisyal ng ating konsulado doon na gamitin ang lahat ng ligal na paraan upang panagutin ang may kagagawan sa insidente at palakasin pa ang seguridad ng mga komunidad, lalo na ng mga Pilipino.

“As Speaker of the House of Representatives, I want our kababayans in Canada to know: Hindi kayo nag-iisa. We are one with you in mourning, and we stand ready to help in any way we can,” pagtiyak pa niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

📸 Canadian Press

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us