Ika-4 na business one-stop-shop sa Caloocan, pinasinayaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas pinalawak ng Caloocan Local Government ang access para sa mga taxpayer kasunod ng paglulunsad ng panibagong business one-stop shop (BOSS) sa lungsod.

Pinangunahan mismo ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang paglulunsad ng ika-apat na business one-stop shop (BOSS) sa lungsod sa SM Sangandaan noong Lunes, April 21.

Layon nitong mas mapadali pa ang proseso ng pagnenegosyo sa lungsod, lalo na sa mga taxpayer at negosyante na nag-a-apply ng mga permit at lisensya sa negosyo.

Nagpasalamat si Mayor Along sa patuloy na tiwala at suporta ng mga negosyante sa Caloocan City.

“Inumpisahan po natin ang pagtatayo ng mga business one-stop shop sa iba’t ibang mall upang maging mas madali ang pagnenegosyo para sa mga namumuhunan na nagtiwala sa atin,” ani Mayor Along sa kanyang talumpati.

Ang bagong bukas na one-stop shop ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ang iba pang business one-stop shops ng Caloocan City ay matatagpuan sa Metro Plaza Quirino, Zabarte Mall, at Metro Plaza Bagong Silang.

Bagamat kinikilala na ang Caloocan bilang isa sa mga Most Business-Friendly Cities sa Pilipinas, nangako ang alkalde na patuloy na paiigtingin ang pagpapaunlad sa pagnenegosyo sa lungsod.

“Hangga’t may paraan, hangga’t makakaya ng pamahalaang lungsod, patuloy po naming pagagandahin ang ating serbisyo upang mas maging magaan ang pagnenegosyo sa Caloocan,” dagdag ni Mayor Along. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us