Ilang kalsada sa Maynila, pansamantalang isasara dahil sa aktibidad sa Quiapo Church ngayong Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) hinggil sa mga isasarang kalsada kaugnay sa gagawing mga aktibidad ng simbahan ng Quiapo sa Huwebes at Biyernes Santo.

Ayon sa MPD, isasara sa mga motorista ang magkabilang bahagi ng Quezon Boulevard mula A. Mendoza/Fugoso papunta mg Quezon Bridge hanggang P. Burgos (tapat ng Park N’ Ride) at northbound and southbound ng C.M. Recto Service Road ng alas-7:00 ng gabi ng April 17.

Ito’y para sa gagawing prusisyob ng Poong Itim na Nazareno ng April 18 kung saan pansamantalang isasara ang ilan kalsada na daraanan nito.

Partikulat ang España Boulevard, S.H. Loyola, San Sebastian Street, Legarda Street, San Rafael / Bilibid Viejo / Gonzalo Puyat Streets, Arlegui Street, C. Palanca Street, Evangelista Street, Carriedo Street at Villalobos Street.

Kaugnay nito, mahigpit na ipagbabawal ang pagpaparada sa mga nabanggit na kalasada lalo na sa oras ng prusisyon.

Magpapakalat naman ng mga traffi enforcers para umalalay  daloy ng trapiko kung saan inaabisuham ang mga motorista na maghanap muna ng alternatibong ruta upang hindi maabala sa biyahe. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us