Miyerkules Santo pa lamang, dagsa na ang mga Katoliko sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o mas kilala bilang Antipolo Cathedral.
Oras-oras ang isinasagawang misa ngayong araw bago ang malakihang mga pagdiriwang simula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.
Ilan sa mga nagsisimba rito ay pawang nagmula pa sa malalayong lugar gaya ng Pangasinan, Cavite, Zambales at Bulacan na dumayo pa sa Antipolo para lamang magsimba.
Bukas naman, Huwebes Santo, isasagawa rin ang tradisyunal na “Alay Lakad” kung saan, target na makamit ang Guinness World Record para sa kategorya na “largest gatherting for a walking spiritual pilgrimage in 12 hours”.
Nabatid na ang Antipolo Cathedral ang unang International shrine sa Southeast Asia, panglabing isa naman sa buong mundo at ang tanging Simbahan sa Asya na binigyan ng Golden Rose mula mismo kay Pope Francis.
Sinabi naman ng Antipolo LGU, na sa ngayong taon, 8 Million ang inaaahang lalahok sa Alay Lakad. | ulat ni Jaymark Dagala