Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan, Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) na tiyaking ligtas ang pagdaraos ng Semana Santa ngayong taon.
Sa inilabas na memorandum circular ng DILG, inatasan nito ang mga Lokal na Pamahalaan na pulungin ang kanilang mga Local Peace and Order Council gayundin ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ito’y para sa paglalatag ng mga contingency measure partikular na ang pagbibigay ng sapat, maaasahan at ligtas na transportasyon, emergency medical services atbp.
Pinasisiguro rin ng Kagawaran sa mga LGU na dapat na imobilize ang kanilang law at traffic enforcer, medical personnel, at iba pang force multiplier sa mga critical areas.
Kabilang na rito ang mga national at local road, crime-prone areas o hotspot, transport hubs, simbahan at iba pang pampublikong lugar. | ulat ni Jaymark Dagala