Mahigit P100-M halaga ng shabu, naharang ng PNP-HPG sa Samar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang isang lalaki matapos mahulihan ng humigit kumulang 15 kilo ng hinihinalang shabu.

Ito’y kasunod ng ikinasang anti-carnapping operation at checkpoint ng HPG sa Maharlika Highway, Brgy. New Mahayag, Catbalogan City sa Samar.

Ayon kay PNP-HPG Spokesperson, PLt. Nadame Malang, nakilala ang naaresto sa alyas na Toper na siyang naghatid ng naturang mga kontrabando.

Nabisto aniya ang mga naturang droga sa pamamagitan ng plain view doctrine habang nagsasagawa ng operasyon ang pulisya sa nabanggit na lugar.

Kasalukuyang iniimbentaryo na ng mga awtoridad ang nakuhang mga illegal na droga habang ikinakasa naman ang kaso laban sa suspek, partikular na ang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us