Natapos na ang konstruksyon ng bagong pumping station sa Lungsod ng Malabon bago pa ang panahon ng tag-ulan.
Matatagpuan ang karagdagang pumping station sa Sto. Rosario Village, Barangay Baritan ng lungsod.
Ang pumping station na ito ay may kasamang makabagong kagamitan at sistema na magpapabilis sa pag-drain ng tubig, lalo na tuwing malalakas ang pag-ulan.
Ayon sa local government, isa umano itong konkretong hakbang na makapaghatid ng mga solusyong makakabuti sa kaligtasan at kapakanan ng mga residente.
Bahagi din ito ng mas pinaigting na inisyatibo ng pamahalaang lungsod, upang mapabuti ang flood control system at maiwasan ang pagbaha sa mga mabababang lugar, lalong-lalo na kapag panahon ng tag-ulan. | ulat ni Rey Ferrer