Nagpasalamat ang Manila Electric Company (MERALCO) kay Pangulong Feridinand R. Marcos Jr. nang aprubahan nito ang kanilang franchise renewal sa loob ng 25 taon.
Sa isang pahayag, sinabi ni MERALCO Chairman at CEO Manuel V. Panglinan na ang franchise renewal na ito ay patunay lamang ng pagkilala ng pamahalaan sa kanilang ambag sa nation building.
Dahil dito, makaaasa aniya ang mga stakeholder nito na patuloy nilang tutugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga customer sa pamamagitan ng innovation, operational excellence at maaasahang serbisyo.
Kasunod nito, nagpasalamat din si Pangilinan sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa kanilang maagap na pagkilos hinggil sa napakaimportanteng hakbang na ito.
Nangako ang MERALCO na patuloy silang magiging katuwang ng Pamahalaan sa pagpapalago ng ekonomiya gayundin ay paunlarin ang kabuhayan ng mga Pilipino. | ulat ni Jaymark Dagala