Handa ang Manila Electric Company (MERALCO) na tumugon sa anumang posibleng alalahanin ng kanilang mga customer sa serbisyo ng kuryente ngayong mga Semana Santa.
Ayon kay MERALCO Vice President at Communications Head Joe Zaldarriaga, kaisa sila ng sambayanan sa hangaring maging ligtas at mapayapa ang paggunita sa banal na okasyong ito.
Kasunod niyan, nagpaalala ang MERALCO sa kanilang mga customer para sa ligtas, matalino at masinop na paggamit ng kuryente kasabay na rin ng panahon ng tag-init.
Una, tanggalin sa saksakan ang mga appliance na hindi ginagamit, iwasan ang octupus connection, huwag ilagay ang kurdon sa ilalim ng mga basahan o carpet.
Ugaliin ding isaayos ang mga kable lalo na kung hindi naman ginagamit at tiyaking hindi ito nabababsa, panghuli ay ilayo sa tubig ang mga appliance at dekuryenteng kagamitan. | ulat ni Jaymark Dagala