Handa na ang lokal na pamahalaan nang probinsya sang Iloilo sa pagbebenta nang murang bigas bilang pagsuporta sa panawagan ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr.
Opisyal nang pinirmahan ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. Ang Executive Order 040 series of 2025 na magpapatupad nang Sipag at Tiyaga for Moreprogress sa Bagong Pilipinas program kung saan target nito ang pagbebenta nang P20 per kilo nang bigas sa Kadiwa Stores at Bigasan na Barangay sa probinsya .
Ayon kay Governor Defensor nasa P19 millyones pesos ang inilaang pondo nang Provincial Government para sa subsidy nang bigas na bibilhin mula sa NFA.
Sinabi naman ng gobernador na pinakaprayoridad na mga benipisyaryo lamang ang maaring mag avail nang programa tulad nang mahihirap na pamilya at may malnourished na mga bata.
Ayon sa datos sang Provincial Health Office inihayag ni PHO chief Dr. Maria Soccoro Quinon tinatayang nasa mahigit 12,000 kabataan sa probinsya ang malnourished at kasalukuyang tinutulungan sa pamamagitan nang Nutrition at Feeding Program nang Iloilo Provincial Government.
Sa ngayon patuloy ang koordinasyon nang probinsya sa iba pang ahensya tulad nang Department of Agriculture, DOH kag DSWD sa pag finalize nang mga guidelines sa ma’s malawak na implementasyon nang programa na nakatakdang ipatupad sa Visayas Region. | ulat ni Jenel Baclay | RPI Iloilo