Sumasailalim na sa pagsasaayos ang 136 warehouses ng National Food Authority (NFA), para sa patuloy na pagpapalaki ng storage capacity ng tanggapan sa harap na rin ng planong pagpapataas ng buffer stock ng bigas mula sa siyam na araw patungong 15 araw.
“Ngayon, kung sapat ba iyong ating mga warehouses – we have an existing ongoing program for modernization of our warehouses ‘no, 136 warehouses are now under repair, 36 are under construction.” -Lacson
Sa press briefing sa Malacañan, ipinaliwanag ni NFA Administrator Larry Lacson, na isa kasi sa mga hamon na kinahaharap ng NFA sa kasalukuyan ay ang congestion sa kanilang mga warehouse.
Nasa 36% aniya ng kanilang warehouses sa mga high-producing region ng palay ang puno na o mapupuno na.
“Totoo iyon sa ngayon, we are experiencing problems of warehouse congestion. In fact, 36% of our warehouses sa mga high-producing regions ng palay ay puno na or almost full na.” -Lacson
Partikular na ang mga bodega sa Region I, II, III, IV, VI, X, at XII.
“Iyon ‘yung ating napi-pick up ngayon sa mga social media and all the news na ang haba ng pila sa NFA dahil 36% sa ating mga bodega sa Rehiyon I, II, III, IV, VI, X, XII eh 36% puno na.” -Lacson
Dahil dito, puspusan na aniya ang pagsasa moderno ng kanilang warehouses.
Ang 136 na warehouses na under repair, inaasahang marami sa mga ito ay maku-kumpleto sa pagtatapos ng buwan, na agad ring magagamit para sa karagdagang buffer stock.
“Iyong sa mga repairs, we expect by the end of next month marami na diyan ang matatapos at magagamit na natin para dito sa mga karagdagang buffer stock.” -Lacson | ulat ni Racquel Bayan