Umabot na sa pitong katao ang nasawi sa road accident na kinasasangkutan ng isang pampasaherong jeep na nawalan ng preno sa Sitio Badbad, Barangay Bantay, sa bayan ng Boac, Marinduque kamakalawa.
Sa pakikipanayam ng Radyo Pilipinas Lucena sa Boac Municipal Police Station BMPS sa pamumuno ni Police Major Arjell Padilla, sa mga unang report kahapon kaugnay ng insidente ay 6 na katao ang nasawi, subalit kanina ay nasawi rin ang isa pa sa mga pasahero na dinala sa pagamutan.
Ang pitong nasawi na maliligo sana sa dagat ay kabilang sa 26 na pasahero na lulan ng nasabing sasakyan na naaksidente habang binabagtas ang National road ng nasabing lugar.
Idinagdag pa ng BMPS na 2 kaagad sa mga ito ang namatay at ang 5 ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Marinduque Provincial Hospital.
Patuloy na nagsasagawa ng inquest ang kapulisan sa suspect na driver ng nasabing sasakyan. | via Tom Alvarez | RP1 Lucena