Bilang paghahanda sa inaasahang buhos ng pasahero ngayong Semana Santa, nagsagawa ang Office for Transportation Security (OTS) ng security inspections bilang parte ng OPLAN Biyaheng Ayos Semana Santa at bahagi ng polisiya ni DOTR Secretary Vince Dizon na gawing mas ligtas at mas komportable para sa mga bibiyahe ang mga pasilidad ng transportasyon sa bansa.
Kinansela rin ng OTS ang vacation leaves ng Security Screening Officers para matiyak ang sapat na manpower sa bawat airport security screening checkpoints.
Gayundin, inactivate ng OTS ang Transportation Security Operations Center 24/7 para sa mabilisang koordinasyon, at nag-deploy ng security auditors at inspectors sa mga paliparan, pantalan, bus terminal at istasyon ng tren sa bansa upang matiyak ang sapat na pag-implementa ng security measures ng transport operators at masiguro na ito ay naaayon sa kani-kanilang OTS-approved security plans and programs.
Para sa katanungan o kung may nais i-report, bukas ang OTS Hotline sa numerong: 0960-461-687(OTS)-7. | ulat ni AJ Ignacio