Pinalawak ng OWWA Regional Welfare Office 7 ang Airport assistance sa mga manggagawang Pilipino na dumating sa Cebu at Bohol mula Abril 16 hanggang 20, 2025.
Ayon sa OWWA noong Abril 16, dalawang OFW mula sa Saudi Arabia ang repatriated dahil sa paglabag sa maltreatment at kontrata ang tinulungan sa transportasyon para makabalik sa kani-kanilang bayan sa Cebu.
Sa kaparehong araw din isang OFW mula japan ang pinagkalooban ng tulong medical kasama ang isang miyembro ng pamilya at agad na dinala sa isang ospital para sa karagdagang pag -aalaga.
Sa parehong petsa, tumulong din ang Owwa sa pagpapabalik ng mga labi ng isang OFW na namatay sa ibang bansa kung saan nagtrabaho bilang isang electrical technicia sa Saudi Arabia.
Ang mga labi ay agarang ibinalik sa pamilya at dinala sa Toledo City.
Dagdag pa ng OWWA, Noong Abril 17, maraming OFW ang dumating mula sa iba’t ibang mga bansa, kabilang ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, at Turkey.
Ang mga OFW ay Nababalik bansa dahil sa mga kadahilanan tulad ng mga paglabag sa kontrata, mga medical concern maltreatment, at overstaying.
Samantala kahapon Abril 20, isang distressed OFW ang na-repatriated at tinulungang makauwi ng Bohol at binigyan ng tulong medikal. | ulat ni AJ Ignacio