Asahan na ang pagiging available ng P20 per kilo na bigas sa Cebu, sa May 1.
“Unang-una hindi pa po nag-roll-out kaya po ito ay masasabi nating isang disinformation. Pangalawa po, sinabi po ni Secretary Laurel na ang una pong ilo-launch ito sa Cebu sa May 1.” — Usec. Castro.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, sa Cebu LGU magmumula ang guidelines kung saang partikular na accredited stores mabibili ang mga bigas na ito.
“So kung saan po ito ibebenta, ito ay ayon na rin po sa guidelines ng local government units. Siguro po mas maganda po itanong natin kung sino po iyong mga involved na local government units para malaman natin kung ano po iyong mga guidelines nila.” — Usec. Castro.
Hindi bababa sa 600,000 na sako ng bigas ang ilalaan sa probinsya.
Sa May 2, magiging available rin ang murang bigas sa Kadiwa Store sa Bureau of Animal Industry (BAI) sa Visayas Avenue.
“At sa May 2 naman ay sisimulan po ito sa Visayas Avenue, sa Bureau of Animal Industry, sa May 2 po, ito naman po ay sa Kadiwa.” — Usec. Castro
Sa press briefing sa Malacañang, siniguro ng opisyal na sa local produce magmumula ang mga bigas na ito, at hindi galing sa mga import.
“Sa ngayon po, ang sinasabi po natin ay manggagaling ito sa local farmers, iyan po ang maliwanag. Kung mayroon pang mga kooperatibang mai-involve po dito, tingnan po natin ang susunod na guidelines nito at sisimulan pa lamang po sa May 1.” — Usec. Castro.
Ibig sabihin, hindi lamang ang consumer ang makikinabang dito, kundi maging ang local farmers.
“Katulad po ng sinabi natin, dapat wala po tayong pagdududa, local farmers po sa panahon po ngayon, as we speak, sa local farmers po ito kukunin, kung mayroon May 1 pa po ito ilulunsad sa Cebu. Kapag may detalye na po tayo, ibibigay po namin sa inyo.” — Usec. Castro. | ulat ni Racquel Bayan