Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang paglarga ng bentahan ng P20 kada kilong bigas sa mga Kadiwa Centers simula sa Biyernes, May 2, 2025.
Sa ilalim ng programa, magbebenta ang DA ng dekalidad na NFA rice sa halagang P20 kada kilo sa mga Kadiwa Center na una nang may P29 kada kilong alok na bigas.
Sa Kadiwa Center, ito ay ibebenta sa mga indigent o mahihirap, senior citizens, solo parents, at persons with disabilities (PWDs) kung saan ang mga benepisyaryo ay papayagang makabili ng hanggang 30 kilo ng bigas kada buwan.
Ang mga kalahok namang LGU ay maaari namang buksan ang bentahan sa lahat ng residente.
Ayon sa DA, ang bigas ay bibilhin ng Food Terminal Inc. mula sa National Food Authority (NFA).
As of April 24, umabot na sa katumbas ng 7.56 milyong sako ng bigas ang kabuuang buffer stock ng NFA na pinakamataas sa loob ng limang taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa