Nanatiling positibo ang pagtaya ng global investment bank na UBS sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon sa UBS, ito ay dahil sa mababang exposure ng bansa sa ipinataw na taripa ng Estados Unidos at sa ipinapamalas na matibay na domestic fundamentals na siyang sumusuporta sa ekonomiya.
Base sa UBS report, maaaring magsilbing “safe haven” ang Pilipinas sa gitna ng global trade wars.
Ibig sabihin, mas hindi gaanong vulnerable ang Pilipinas kumpara sa ilang kalapit-bansa sa ASEAN region.
Ito ay dahil ang ipinataw na 17 percent na export tariff ay pangalawa sa pinakamababa sa ASEAN, at dahil na rin sa mababang dependence ng Pilipinas sa US exports—na nasa 2% lamang ng GDP.
Sa ganitong paraan, ayon sa UBS, ay nagsisilbi itong panangga ng ekonomiya laban sa epekto ng US tariff. | ulat ni Melany V. Reyes