Pangulong Marcos Jr., muling ipinag-utos sa mga ahensiya ng pamahalaan na sawatain na ang pagkalat ng fake news

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat nang matigil ang paglala pa ng fake news.

Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng isinagawang sectoral meeting sa Malacañang kasama ang Department of Information and Communications Technology o DICT.

Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, hindi na biro at kailangan na talagang bigyan ng pansin ang pagkalat ng pekeng balita dahilan upang mag isyu ng ganung kautusan ang Presidente.

Kahit na aniya ang ibang mga firm mula sa ibang bansa ay nagsasabing dumadami talaga ang fake news sa Pilipinas, na ayon kay Atty. Castro ay walang buting idudulot sa gobyerno.

Hindi lamang aniya sa pamahalaan ang negatibong epekto nito kung hindi pati na sa ekonomiya gayundin sa taumbayan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us