Naglatag ng panuntunan ang Korte Suprema tungkol sa court reporting ng media sa katatapos na 2025 Media Summit sa Baguio City.
Ang 43-pahinang draft ng Guidelines on Court Reporting ay inilatag ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting sa katatapos na Media Summit 2025 sa Baguio City na dinaluhan ng mga mamamahayag mula sa iba’t ibang entity gaya ng radio, television, broadsheets, tabloid, at online network na nagkokober as sangay ng hudikatura.
Batay sa draft guidelines nakasaad ang mga limitasyon at proper decorum sa pagkokober ng mga mamamahayag sa mga aktibidad ng korte gaya ng press conference, paglalabas ng mga desisyon, sirkular, at iba pang kautusan ng Kataas-taasang Hukuman.
Ilan sa guidelines ay ang coverage sa proceedings gaya ng restrictions and reporting protocols, pagkilala sa mga official sources ng impormasyon o mga balita.
Nakasaad rin sa draft guidelines ang karapatan ng Korte Suprema na gumawa ng aksyon laban sa isang media practitioner o organisasyon na lalabag sa mga panuntunan. | ulat ni Lorenz Tanjoco