PCG, nagsagawa ng search and rescue sa lumubog na barko sa Occidental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agarang nagsagawa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard o PCG matapos lumubog ang Motor Vessel Hong Hai 16 sa karagatang sakop ng Barangay Malawaan, Rizal, Occidental Mindoro nitong hapon ng Abril 15, 2025, pasado alas-5 ng hapon.

Ayon sa ulat, may sakay na 25 crew ang nasabing barko na pagmamay-ari ng Keen Peak Corporation — 13 dito ay mga Pilipino at 12 naman ay Chinese nationals.

Batay sa pinakahuling datos ng PCG, 14 na tripulante ang nasagip — anim na Pilipino at walong Chinese. Isa namang Chinese crew ang natagpuang wala nang buhay, habang patuloy na pinaghahanap ang sampung nawawala — pito rito ay Pilipino at tatlo ang Chinese.

Nagpadala na rin ng dagdag na pwersa ang PCG para sa underwater search, diving operations, at pagputol sa bahagi ng barko na posibleng may na-trap pang crew sa engine room.

Kasabay nito, nakahanda na rin ang mga oil spill containment equipment bilang pag-iingat sa posibleng pinsala sa kalikasan.

Patuloy ang operasyon ng PCG sa lugar para sa kaligtasan ng mga nawawalang crew at pag-iwas sa environmental hazard. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us