Pinasinayaan ang bagong eroplano ng Philippine Coast Guard, ang PCG 829 BN Islander, sa isang turnover at commissioning ceremony sa punong tanggapan ng Coast Guard Aviation Command.
Pinangunahan ang seremonya ni Sec. Mark Llandro Mendoza, Presidential Adviser on Legislative Affairs, kasama si Admiral Ronnie Gil Gavan ng PCG.
Ang nasabing eroplano ay donasyon mula sa Fliteline Airways, matapos itong sumailalim sa masusing inspeksyon at maintenance para matiyak ang kahandaan sa mga misyon.
Ayon sa PCG, magsisilbing mahalagang bahagi ang PCG 829 BN Islander sa pagpapatrolya sa karagatan, search and rescue, disaster response, at medevac, lalo na sa mga pinagtatalunang maritime zones. | ulat ni Lorenz Tanjoco