Pilipinas, kaisa ng Catholic Community sa buong mundo sa pagda-dalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis, ayon kay Pangulong Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

“The best pope in my lifetime,” Ganito inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Pope Francis na tinatawag rin ng mga Pilipino, bilang Lolo Kiko.

Pahayag ito ng pangulo, kasunod ng kumpirmasyon ng Vatican, sa pagpanaw ng Santo Papa sa edad na 88.

Sabi ni Pangulong Marcos, nakakalungkot ang balitang wala na si Pope Francis.

Ang Pilipinas, kaisa aniya ng Catholic community sa buong mundo, sa pagda-dalamhati sa pagkawala ng Santo Papa.

“The Philippines joins the Catholic community worldwide in grieving the loss of His Holiness Pope Francis. A man of profound faith and humility, Pope Francis led not only with wisdom but with a heart open to all, especially the poor and the forgotten.” —Pangulong Marcos.

Si Pope Francis aniya, isang indibdiwal na mayroong kababang loob, ang puso ay bukas sa lahat, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

“By example, Pope Francis taught us that to be a good Christian is to extend kindness and care to one another. His humility brought many back to the fold of the Church.” —Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, kasabay ng pagluluksa sa napakalungkot na araw na ito (April 21), ang pagkilala sa Santo Papa na nagsilbing inspirasyon sa lahat na mahalin ang kapwa, tulad ng pagmamahal ni Hesus sa sangkatauhan.

“As we mourn his passing, we honor a life that brought hope and compassion to so many, and inspired us to love one another as Christ loved us. It is a profoundly sad day.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan