Umarangkada na ngayong araw ang Local Absentee Voting (LAV) para sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame.
Si PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ang buena-mano sa humigit kumulang 33,000 pulis na nakatakdang bumoto matapos i-avail ang LAV kung saan, mahigit 1,400 dito ay mula sa National Headquarters.
Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng PNP Chief ang kahalagahan ng pagboto na aniya’y hindi lamang isang karapatan kungdi isang tungkulin sa bayan at pagpapakita ng kanilang pagmamahal dito.
Tatagal ang Local Absentee Voting para sa mga pulis, sundalo, at mga miyembro ng media hanggang April 30.
Muling pinagtibay ng PNP ang kanilang dedikasyon sa pagbabantay sa #HatolNgBayan2025 at maitataguyod angkarapatan gayundin ang demokrasya sa papalapit na halalan. | ulat ni Jaymark Dagala