PNP-HPG, may mga bagong uniporme bilang panlaban sa tag init

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinakita ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mga bago nitong uniporme para sa kanilang mga rider.

Layon nito na maiiwas ang mga HPG rider sa heat exhaustion at heat stroke dulot ng mainit na panahon.

Ayon kay PNP HPG Spokesperson, Police Lieutenant Nadame Malang, 180 pa lamang ang nai turnover ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ngayong araw.

Sa Metro Manila pa lamang naipamahagi ang nasabing bagong uniporme, at ito ay inaasahang masusundan pa.

Subalit kumpara sa kanilang General Office Attire (GOA) na long sleeved, mas mabigat ang bagong rider’s uniform.

May bentelasyon ito sa bahagi ng kili-kili at butas-butas ito gayundin ay mayroon na rin itong paddings para sa kaligtasan ng mga HPG rider. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us