PNP, naka alerto kasabay ng anibersaryo ng National Democratic Front

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naka-alerto ang mga himpilan ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa kasabay ng ika-52 anibersaryo ng National Democratic Front (NDF), ngayong araw.

Ayon sa PNP, hindi nila hahayaan ang NDF na muling makapaghasik ng takot sa mga komunidad.

Marami na anilang natulungan ang pamahalaan na mga dating rebelde na piniling magbalik-loob at makapamuhay ng matiwasay sa isang sibilisadong lipunan.

Babala naman ng PNP, sino mang mapatutunayang sumusuporta sa teroristang grupo ay tiyak na mahaharap sa mahigpit na parusa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us