Kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) na nasa ilalim na ng restrictive custody ang isang pulis-QC na nag-viral dahil sa umano’y pangha-harass at iligal na pagpasok sa ilang bahay habang umano’y lasing.
Sa isang pahayag, sinabi ng QCPD na agad na inaresto ang naturang pulis at isasalang sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act – Physical Injury) at Domicile.
Habang ongoing ang imbestigasyon ay pinasuko na rin ang baril ng sangkot na pulis.
Tiniyak naman ng QCPD na masusing imbestigasyon ang isinasagawa nito para beripikahin ang mga pangyayari sa likod ng insidente at matiyak na agad na maisasampa ang nararapat na kasong administratibo at kriminal.
Muli ring ipinunto ng QCPD na kinukondena nito ang pangyayari at walang puwang sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang mga umaabuso sa kanilang kapangyarihan.
“We understand the gravity of the allegations and the trauma this has caused to the victims and the community. That is why we are treating this case with the utmost seriousness it deserves.” | ulat ni Merry Ann Bastasa