Inalis sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, PMGen. Anthony Aberin si Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Melecio Buslig Jr
Batay sa dokumentong nakarating sa Kampo Crame, nakasaad na epektibo kahapon, Abril a-21 ang administrative relief kay Buslig
Dahil dito, pansamantalang hahalili kay Buslig si PCol. Randy Silivio, ang Deputy District Director for Administration ng QCPD
Gayunman, walang inilabas na detalye hinggil sa dahilan ng pagkakasibak ni Buslig sa puwesto.
Bago ito, nag-viral sa social media ang ginawang illegal entry, pang-aabuso at harassment ng isang lasing na pulis-QC laban sa isang babae.
Nakarating na ito sa NCRPO at iginiit na walang puwang sa kanilang hanay ang ganitong pang-aabuso ng kanilang mga tauhan. | ulat ni Jaymark Dagala