SC, pinanigan ang EO 30 para sa mas mabilis na energy project approval

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng Korte Suprema ang Executive Order No. 30 na layuning pabilisin ang pag-apruba ng mga energy project sa bansa.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena Singh, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng ilang grupo na humihiling na ipatigil ang EO 30 sa pamamagitan ng Environmental Protection Order o EPO.

Sa ilalim ng EO 30 na inilabas noong 2017, binuo ang Energy Investment Coordinating Council o EICC upang magpatupad ng mas mabilis na proseso sa pag-apruba ng Energy Projects of National Significance o EPNS.

Ayon sa Korte Suprema, may kapangyarihan ang Pangulo na magpatupad ng mga hakbang para mapabilis ang proseso ng gobyerno basta’t alinsunod ito sa umiiral na batas.

Giit ng mga petitioner, nilalabag ng EO 30 ang karapatan sa isang malusog na kapaligiran at binabale-wala ang mga importanteng environmental requirements. Ngunit nilinaw ng Korte Suprema na ang EO 30 ay gabay lamang sa minimum standards at hindi inaalis ang mga legal na proteksyon sa kalikasan.

Sa hiwalay na opinyon, nanindigan si Senior Associate Justice Marvic Leonen na labag sa Konstitusyon ang EO 30, habang si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ay nagsabing layunin lamang ng EO 30 na pabilisin ang proseso at bawasan ang red tape. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us