Sen. Tolentino, tiniyak na may binubuo na silang pagbabago sa Anti Espionage Law ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones Chairperson at Senate Majority Leader Francis Tolentino, na nakalatag na sa Senado ang amyenda sa Espionage law ng bansa.

Ito ay sa harap ng sunod-sunod na pagkakatuklas ng espionage activities ng ilang Chinese nationals at submersible drones ng China sa Pilipinas.

Ayon kay Tolentino, may binubuo na silang Counter-Foreign Espionage Act, kung saan tinaasan na ang parusa sa mga mahuhuling nagsasagawa ng espionage activities at ang ilang aktibidad ay gagawin nang non-bailable offense na.

Giit ng senador, sa pamamagitan nito ay maipapakita natin sa ibang bansa na hindi dapat nilalapastangan ang soberanya ng Pilipinas.

Magpapadala rin aniya ito ng mensahe, na hindi dapat panghimasukan at bastusin ang Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us