Sorsogon Police, inalerto kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Bulusan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalerto ng Police Regional Office-5 ang Sorsogon Provincial Police Office kasunod ng pagputok ng Bulkang Bulusan.

Ayon kay Bicol PNP Director, Police Brig. Gen. Andre Dizon, nakahanda ang kanilang mga units na magbigay ng kinakailangang assistance, kabilang ang logistics at financial resources para sa mga apektadong residente.

Kasama rin ang crowd control at traffic management para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Nabatid na kabilang ngayon sa mga komunidad na apektado ng ashfall ang Barangays Bolos at Cogon sa Irosin at Barangays Puting Sapa, Buraburan, at bahagi ng Catanusan sa Juban, Sorsogon.

Hinimok ng PRO-5 ang publiko na manatiling kalmado, maging mapagmatyag at sumunod sa abiso ng lokal na pamahalaan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us