Mariing kinondena ni Speaker Martin Romualdez ang pag-angkin ng China sa Sandy Cay kung saan iwinagayway pa ng miyembro ng Chinese Coast Guard ang watawat ng China.
Giit ni Romualdez, ang Sandy Cay ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas at 4 nautical miles lang ang layo mula sa Pag-asa Island.
Hirit pa ng lider ng Kamara, itigil na ng China ang desperado at ‘cheap stunts’ para sa walang basehan nilang pag-angkin.
Diin pa niya, matagal nang nabasura ang mga pag-aangkin ng China nang maipanalo ng Pilipinas ang 2016 Arbitral Ruling at kasama dito ang Sandy Cay.
“I strongly denounce the latest actions of the China Coast Guard in and around Sandy Cay, an area well within the Philippines’ exclusive economic zone (EEZ) and unquestionably part of Philippine territory. Let me be clear: Sandy Cay, located just 4 nautical miles from our own Pag-asa Island, is Philippine territory. We have continuously and effectively exercised jurisdiction over it,” pagdidiin ni Speaker Romualdez.
Kinilala naman ni Romualdez ang mabilis na aksyon ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na nagsagawa ng Inter-Agency Maritime Operation (IAMO) sa Pag-asa Cay 1, Cay 2, at Cay 3.
Ito aniya ay para igiit ang ating soberanya, sovereign rights at hurisdiksyon sa West Philippine Sea kasabay ng patuloy na pagbabantay sa ating maritime domain ng tumatalima sa international law.
“This operation—carried out by the Philippine Navy, Philippine Coast Guard, and Philippine National Police-Maritime Group—demonstrates the Philippines’ lawful, routine, and rightful exercise of sovereignty over our waters and features,” sabi pa ng House Speaker.
Panawagan pa niya sa China itigil na ang mga mapanganib na pang-uudyok at respetuhin ang international law.
Hindi rin aniya magpapadaig ang mga Pilipino sa sarili nating bakuran.
“The Philippines stands firm, ready, and united in defending what is ours—through peaceful, principled, and lawful means. The Filipino people will not be bullied in our own backyard. Team Pilipinas tayo!” giit ng lider ng Kamara. | ulat ni Kathleen Forbes