Transportation sector ng bansa, tuloy pa rin sa pagprayoridad sa kapakanan ng mga mananakay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa layuning palakasin ang kaligtasan sa biyahe, nagsanib-puwersa ang Maritime Industry Authority o MARINA, Department of Transportation o DOTr, at Philippine Red Cross.

Ayon sa Marina, pirmado na, ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng PRC, DOTr, at mga kaakibat na ahensya gaya ng LTFRB, LTO, CAAP, at Philippine Coast Guard.

Layunin nitong isulong ang paggamit ng PRC Safe Card—isang programa para sa agarang emergency assistance sa mga pasahero sa lupa, himpapawid, at karagatan.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, “Hindi puwedeng ipagsawalang-bahala ang buhay ng pasahero.” Dagdag pa ni DOTr Secretary Vivencio Dizon, mahalaga ang proteksyon sa bawat biyahe.

Giit naman ni MARINA Administrator Sonia Malaluan, ang ligtas na paglalayag ay nangangailangan ng koordinasyon at malasakit.

Saklaw ng PRC Safe Card ang access sa ambulance, first aid, blood support, at hospital allowance hanggang 60 araw. Sa kasalukuyan, may 178 ambulansya at 108 blood banks ang PRC sa buong bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us