Natapos na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inisyal na pagsusuri sa 5 submersible drone na nakita sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad na lumabas sa kanilang pagsusuri na ang 5 underwater drone na ito ay nagpapadala at tumatanggap ng datos mula sa China.

Nakita ang 5 submersible drone sa karagatang sakop ng Pasuquin, Ilocos Norte noong Hulyo 2022, Zabales noong Setyembre 2022, Calayan Island sa Cagayan noong Agosto 2024 at ang huli ay sa San Pascual sa Masbate noong Disyembre 2024.

Sinabi ni Trinidad na sa nakita sa mga ito ang mga serial number mula sa HWA Create, isang kumpaniya na nakabase sa Beijing na nakatutok sa defense, civil, government and industrial solutions at mayroon din itong China Telecom Sim Card.
Kaya naman, isa sa mga tinitingnan ayon kay Trinidad ay ginagamit ang mga ito para pag-aralan ang komposisyon ng karagatan ng Pilipinas na maaaring gamitin sa aspetong military. | ulat ni Jaymark Dagala